Pages

Tuesday, May 28, 2013

Candy Crush: Ang Kending Hindi Diabetic

Noon Farmville na sinundan ng Cityville, nagkaroon ng Plants Vs. Zombies, Angry Birds, Temple Run at ngayon naman… ang Candy Crush.


Ang Candy Crush na kinagigiliwan ng lahat.

Noong unang sumikat ang larong ito, wala akong paki-alam kasi parang wala naman itong pinagkaiba sa mga larong Bejeweled, Zuma at kung ano pang color-matching games.

Hindi naman ito tulad ng Farmville na kina-adikan ng lahat noon dati dahil mag-aalaga ka rito ng mga halaman at hayop, ganoon din sa Cityville kung saan sa laro’y nakakapagpatayo ka ng iba’t-ibang establishimento katulad ng building, hspial, bahay at ba pa.

Bago rin ang laro na hatid ng Plants Vs. Zombies dahil isa itong zombie-game na pwedeng pambata at pwede ring pang-matanda. Ang bida rito ay ang iba’t-ibang uri ng mga halaman na may kaniya-kaniyang abilidad na maaaring pumatay sa mga zombie. Sa Angry Birds naman, mga galit na ibon ang tutulungan mo upang makuha pabalik ang ninakaw ng mga baboy na itlog ng ibon ang kailangan mo lang gawin ay patumbahim ang mga bahay ng baboy gamit ang mga ibon mismo.

Taliwas sa mga larong nabanggit ko, hindi naman ako masyadong familiar sa larong Temple Run dahil hindi ko pa ito nasusubukan. Sa mga tablet at iPhones lang kasi ito pwedeng laruin at sa kasamaang palad ay wala pa ako ng mga gadget na tulad nito. Gayunpaman, masasabi kong kinagiliwan din ng napakaraming tao ang Temple Run.

NEW GAME. Sa paglipas ng panahon, natapos na tayo sa Farm, sa City, sa mga Zombies, Angry Birds at sa Templo ngayon naman, nakatutok ang lahat sa Candy… ang Candy Crush na kina-aadikan ngayon ng mga gadget users.

Sa pamilya namin, unang na-adik dito si Mama. Palagi siyang nakikipag-agawan sa paggamit ng laptop upang makapag-laro lang ng Candy Crush. Saka lamang siya tumitigil kapag wala na siyang life.

Isang laro na sa una'y akala mo madali, mahirap pala.

Hindi lang si Mama ang napansin kong nahuhumaling sa larong ito. Maging ang ilang Facebook friends ko ay sunod-sunod ang paghingi nila ng life sa notificatiosn ko. Hindi lang sa Facebook, maging sa Twitter ay usap-usapan rin ang larong ito.

Ano nga ba ang bago sa Candy Crush? Ang larong ito, katulad ng sinabi ko kanina ay wala ring ipinagbago sa mga larong Bejeweled at Zuma. Ang kailangan mo lang gawin ay pagtabihin ang mga magkaka-pares na kulay at uri ng candy. Siyempre every level ay pahirap ito ng pahirap.

Dahil sa curuiosity ay nilaro ko ito. Nung una ay itinuloy ko lang ang paglalaro bilang pampalipas oras lang hanggang sa nagtagal ay unti-unti na akong na-challege sa paglalaro. Hindi lang pala ang pagtatabi-tabi ng mga magkaka-pares na kendi ang kailangang gawin dahil bukod dito, limited rin ang moves na kailangan mong gawin at kapag naubusan ka na ng moves, malalagasan ang buhay mo. 

May limang buhay ang nakalaan sa bawat paglalaro at kapag naubos na ito, game over ka na. Kailangan mo ulit ang maghintay upang ma-recover mo ang life mo o hindi kaya’y humingi ng buhay sa mg kaibigan mo na naglalaro rin ng tulad nito. In short, hindi lang ang galing sa kulay ang kailangan mo kundi ang diskarte mo rin sa paggalaw ng mga kulay. Kailangan itong pag-isipan kundi, game over ang bagsak mo.

CELEBRITIES ADDICTED. Hindi lang pala mga ordinaryong tao ang nahihilig ng Candy Crush, marami ring sikat na personalidad ang nahuhumaling na rin dito katulad na lang ni Kris Aquino, ang basketbolistang si Mark Caguioa, ang komedyanteng si Vice Ganda, pati na rin sina John Lapus, Maja Salvador, Christian Bautista, Mikael Daez at marami pang iba.

Maja Salvaador, isa sa mga celebrities na addict ngayon sa Candy Crush.

Ang saya lang isipin na sa kabila ng problema natin ay may isang laro na maaaring pumawi sa mga kasalukuyang nararamdam natin. Kapag walang magawa, kapag hindi makatulog, kapag gustong kalimutan ang problema, kapag gustong makipag-kompitensya, kapag nalulungkot, kapag gustong sumunod sa uso… isa lang ang dapat laruin mo, ang natatanging Candy na hindi diabetic…Candy Crush ang tutulong sa’yo.


Katulad ng ibang laro na sumikat dati, mapagsasawaan din natin ang larong ito. Siyang patunay na wala ngang permanente sa mundo. Kaya hanggang uso pa, maki-uso ka, hanggang sikat, sumunod ka, dahil bukas makalawa isang laro na naman ang siguradong bubulaga sa ating harapan. Ano, magpapa-iwan ka pa ba?



(photos from: philstar.com, best-tablet-converter.com, overtheroll.wordpress.com)

No comments:

Post a Comment