Pages

Sunday, May 26, 2013

Tula Para Kay Ina

Facebook post ko para sa mg ina na naging parte ng buhay ko.

Bisperas noon ng Mother's Day nang sabihan ako ng Mama ko na gumawa ng greeting card na maaaring i-post sa Facebook upang mai-tag ko ang ilang sa mga kamag-anak naming isa nang ina. Um-oo na lang ako para may dahil ako na gumamit ng internet buong magdamag.

          Nang gabing iyon, isang oras bago ang May 12, isa-isa nang nagsulputan ang mga Mother's Day greetings ng mga kaibigan ko sa Facebook para sa kanilang ina. May ilan na naglalagay pa ng pictures ng Mama nila at nagsasabi ng I Love You at Thank You. 


          Ang sa akin naman, pinopost nila ito sa FB para saan pa kung hindi naman ito nababasa ng mismong nanay nila? Ang ilang post kasi na nabasa ko ay tila nakiki-sabay lang sa agos. Ni hindi man lang naka-tag ang pangalan ng nanay nila na para bang automatic na lang na mababasa iyon ng nanay nila kapag pinost nila sa FB. Para bang gusto lang nilang ipakita sa ibang tao na "Mahal ko ang nanay ko kaya igi-greet ko siya ngayong araw na 'to."


          Gayunpaman, doon ko napagtanto na oras na rin siguro para sa akin na magpasalamat sa kanila. Hindi ko ito araw-araw na nagagawa, ang magpasalamat sa aking ina. Bukod kasi sa nahihiya ako ay parang 'corny' tignan. Pero nang gabing iyon, ginawa ko ang request ng Mama ko hindi para ma-greet ang mga kamag-anak ko kundi upang ma-greet at mapasalamatan ang Mama ko pati na rin ang Lola ko na umagapay sa akin sa buong buhay ko.

          Kaya naman kahit hatinggabi na ay pilit kong pinagana ang pagiging manunulat ko (seasonal kasi ako kung magsulat) at gumawa ako ng isang tula para sa aking ina, sa aking lola, sa mga tita ko at sa ilan pang kakilala. Narito ang tula na ini-alay ko sa kanila sa mismong araw ng mga nanay:


Sila ang nag-alaga, nagpalaki at nagturo sa atin kung ano ang tama
Sila ang gumabay, sumama at sumakay sa agos ng ating pagtanda
Sila ang nagtiyaga at nagtama sa ating mga pagkakamali
Sila ang umintindi at umagapay sa mga problemang sa ati'y dumdagli

Sila, sa kabila na pagiging pasaway natin ay hindi nila tayo iniwan
Oo pinapagalitan ngunit para na rin sa ating kapakanan
Nandiyan sila palagi, beinte-kuwatro oras na nakahanda
Walang kinikilingan, ikaw ay ma-protektahan lang
para sa serbisyo nilang ibibigay para sa atin lamang

Kaya naman sa araw na ito, sila'y ating bigyang pansin,
Ang mga BAYANI na siyang tunay na tagapagligtas natin
Hindi siya si Wonder Woman, hindi rin si Darna
Hindi si Catwoman, lalong hindi si Krystala
Sino sila? Sila ang ating INA,
ang ilaw na hindi napupundi at never na mapapalitan

Kaya Mommy, Mamang, Apong, Titas ken Aunties
AGYAMAN KAMI KANYAYO!


          Ngayon ko lang naalalang ibahagi ito sa inyo, kaya naman kung pwede pang humabol ay babati pa  ako sa inyo since Mother's Month pa naman. Isang huling pagbati sa inyong lahat, "Maligayang araw ng mga Ina!"

No comments:

Post a Comment