Pages

Saturday, June 1, 2013

Barko ng Mga Libro

Two weeks ago ay nakatanggap ako ng text mula sa kaibigan ko na nagsasabing may book fair daw sa Poro Point, La Union, mahilig kasi akong magbasa kaya hindi maikakailang mahilig talaga ako sa mga libro. Dahil nasa Ilocos Sur pa ako nang mga oras na iyon at bakasyon pa't walang pera ay hindi ko muna pinansin ang paunlak na ito hanggang sa isa na namang text ang natanggap ko hanggang sa nagsunod-sunod na ang mga nag-aaya sa akin na pumunta sa book fair na ito.

Ang barko kung saan makikita ang mga libro.

Logos Hope. Ang book fair na tinutukoy ng mga kaibigan ko ay hindi lang basta pala bentahan ng mga libro katulad ng inaakala ko. Kaya pala ito nasa port ng San Fernando ay dahil ang book fair na ito ay makikita sa loob ng isang barko, ang barko na Logos Hope.

          Ang barko ay dumating sa Poro Point noong ika-24 ng Mayo, ang hangad ng barkong ito ay upang magbigay edukasyon, tumulong at mag-iwan ng inspirasyon sa mga lugar na napupuntahan nila.

          Ang MV Logos Hope ay isang German Christian charitable organization GBA ships e.V (Gute Bücher für Alle, sa Ingles: Good Books for All). Ito ay may humigit 400 na volunteer crew na mula pa sa iba't-ibang bansa. Mayroong mula sa America, sa Hong Kong, Canada, Africa at sa kung saan pa. Ang mga crew at staff na ito ay sumasali sa organisasyon upang mamuhay sa barko ng halos dalawang taon bilang isang volunteer

          Bago ang Pilipinas, ilang bansana rin ang nauna na nilang napuntahan katulad ng Europe, Carribean, Mediterranean, Arabian Peninsula at sa iba't-ibang lugar sa Asya. Nagsimula ang paglalakbay na ito ng Logos Hope noon February 2009 at mahigit kumulang 40 milliong katao na ang nakakapasok sa barkong ito. Dito sa San Fernando, mula noong May hanggang ngayon (June 2) ay may halos 50 thousand na tao na hindi lang mula sa San Fernando kundi na rin sa mga karatig lugar nito ang dumayo at bumisita sa nasabing barko.


Mga libro worth 300 units (300 pesos).
Mga diksyunaryo sa halagang abot kaya.

Book Fair. Sa halagang 20 pesos (libre sa mga batang edad 12 pababa) ay makaka-pasok ka na sa barkong ito. Unang bubungad sa'yo ang isang maliit na theater, dito ay magkakaroon sila ng mabilis na introduction upang ipaalam ang history ng barko at kung ano ang kailangan pa nating malaman tungkol sa organisasyon. Sunod mong mapupuntahan ang book fair kung saan makakakita ka ng 5,000 na iba't-ibang klase ng libro. Karamihan sa mga librong ito ay puro educational, biblical at children's book. Mayroon ding mga CD's at DVD's. Marami ring souvenir items katulad ng 3D minaiture ng barko, mga ballpen, ballersat pins.

          Matapos kang bumili ng libro ay madadaanan mo rin ang isang visual presentation na tinawag na The Journey of Life, hango ito sa kwento ng The Prodigal Son. Panghuling destinasyon naman ang International Cafe. At bago ka lumabas, may makukuha ka ring free litreature mula sa barko.


Ang libreng libro na makukuha pagkalabas ng barko.

          Isang malaking karangalan sa akin ang makapasok sa isang barko, mas lalo na sa barko na punong-puno pa ng mga libro at sinamahan pa ng mga crew mula sa iba't-ibang lahi. Ang barkong Logos Hope ay sumisimbolo sa pagkakaisa, na kahit galing man sa iba't-ibang lahi ang mga manlalakbay na ito ay nagagawa parin nilang magkaisa upang tumulong at magbigay inspirasyon sa mga tao.


Logos Hope Extension. Dahil sa marami pang kailangang ayusin sa barko at magmumula pa sa Europe mga kakailanganing kagamitan, sa halip na June 2 ang pag-alis nito ay na-extend ang Logos Hope haanggang sa June 11 kaya maaari pang humabol ang ma taong gustong magpunta.

          Matapos ang pagbisita ng Logos Hope sa San Fernando, La Union, sunod naman nilang bibisitahin ang Puerto Princesa ito na ang huling destinasyon nila bago nila lisanin ang Pilipinas at magpunta sa Malaysia.

No comments:

Post a Comment